Lumaktaw sa pangunahing content

ang panitikan ng aprika at persya




PANITIKAN NG PERSYA




Image result for persian literature




Literatura Persian ay isa sa mga pinakaluma at pinakamahusay na-kilalang literatures ng mundo. Ito ay sumasaklaw ng dalawang-at-a-kalahating millennia, bagaman ang karamihan sa pre-Islamic materyal ay nawala. Pinagmumulan nito ay naging sa loob ng makasaysayang Persiya kabilang ang pangkasalukuyan Iran, Iraq at Azerbaijan, pati na rin ang mga rehiyon ng Gitnang Asya kung saan ang Persian wika ay naging kasaysayan ng pambansang wika. Halimbawa, Molana (Rumi), isa sa Persiya ang pinakamahusay na-mahal sa poets, ipinanganak sa Balkh o Vakhsh (sa ano ngayon Afghanistan o Tajikistan), nagsulat sa Persian, at nanirahan sa Konya pagkatapos ay ang kabisera ng Seljuks. Ang Ghaznavids malaking conquered teritoryo sa Gitna at Timog Asya at pinagtibay Persian bilang kanilang wika court. May kaya Persian panitikan mula sa Iran, Afghanistan, Iraq, Azerbaijan, Turkey, Pakistan, Tajikistan at iba pang mga bahagi ng Gitnang Asya. Hindi lahat ng panitikan na ito ay nakasulat sa Persian, bilang ilang mga isaalang-alang ang mga gawa na nakasulat sa pamamagitan ng etniko Persians sa iba pang mga wika, tulad ng Griyego at Arabic, upang maisama. Kasabay nito, hindi lahat ng literatura na nakasulat sa Persian ay nakasulat sa pamamagitan ng etniko Persians / Iranians.




Image result for rustam at sohrab



Si Rustam at Sohrab

Isa sa mga epikong Persian
Nasa sinapupunan pa lamang si Rustam ay hinulaan nang magiging magiting na

bayani siya sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng mga alamat. Hindi naging madali ang pagsilang kay Rustam sapagkat ang kanyang inang si Rudabeh ay dumanas ng matinding sakit. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong kumupkop sa kanyang ama na si Zal. Bago lumisan ang ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang isinisilang ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. Kagaya ng sabi ng ibon, isinilang nga si Rustam na kasinlaki ng sanggol ng Leon.

Nang tumuntong si Rustam sa edad na pwede na siyang magsanay bilang isang mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng kanyang ama na kailangan niya ng espesyal na kabayo. Nakuha niya ang kabayong si Raksh.
Isang beses habang nangangaso si Rustam, nawala ang kanyang kabayo. Sa pagsunod niya sa mga bakas ng nawalang kabayo, siya ay pumapasok sa kaharian ng Samangan kung saan siya ay buong-pusong tinanaggap ng hari.
Dito nakilala ni Rustam si Prinsesa Tahmina, ang kaisa-isang anak na babae ng hari ng Samangan. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at nang gabing iyon ay napatunayan nilang sila’y nagmamahalan.
Kinabukasan ay natagpuan na ang kabayo ni Rustam at kinailangan na niyang lisanin ang lugar. Naghiwalay silang dalawa ni Prinsesa Tahmina. Lumipas ang ilang buwan na hindi nagkikita ang dalawa at hindi naglao’y nagsilang si Prinsesa Tahmina ng isang batang lalaki na nagngangalang Sohrab. Lumaki si Sohrab kagaya ng kanyang amang si Rustam.
Isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang mag-ama at sa umpisa ay hindi nila nakilala ang isa’t isa. Nagtuos ang dalawa at nasaksak ni Rustam si Sohrab hanggang sa siya’y namatay. Napatingin si Rustam sa pulseras na nakapulupot sa braso ng nag-aagaw buhay na si Sohrab. Naalala niya na ito ang pulseras na kanyang binigay kay Prinsesa Tahmina at nalaman niya ang katotohanan na anak niya si Sohrab.
Nayanig ang buong pagkatao ni Rustam. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit malupit ang tadhana.

PANITIKAN NG APRIKA


Ang Aprika ay pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa buong mundo at pangalawa sa may pinaka malaking populasyon sumunod sa Asya. Isa rin ang Aprika sa may pinakamayaman at pinakamatandang kasaysayan at kultura. Mayaman rin ang Aprika sa likas na yaman at isa rin ang Aprika kung saan unang namuhay o nanirahan ang ating mga ninuno. Ang mga Aprikano, iba man ang kulay nila sa ating mga Pilipino, hindi nawawala sa kanila ang salitang respeto. Ang mga Aprikano ay likas ng mahuhusay at matatalino. Kaya't hindi rin nakakapagtaka na ang Aprika ay mayaman sa kultura at kasasaysayan. Ang Aprika ay may malaking naiambag sa mundo ng panitikan. Malaki ang pagbabago at impluwensiya ang nagawa ng Aprika pagdating sa panitikan kung saan ang paraan ng paggawa nila ito ay wasto at purong katotohanan o realistiko.


Image result for things fall apart chinua achebe

Things Fall Apart o "Paglisan" 
ni Chinua Achebe
Isinalin ni Julieta U. Rivera
Isa sa mga nobelang Aprikan

Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng mga Umuofia,sa Nigeria ang isang matapang na at respetadong mandirigma na si Okonkwo.

Bata palamang ay nagpamalas na ng angking katapangan si Okonkwo,  Dahil dito, kinilala si Okonkwo sa buong Umuofia hanggang Mbaino. Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang mga pagkakataon na ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si si Unoka.

Bukod sa katamaran ng kanyang ama,ay nag-iwan pa ito ng napakaraming utang at pibabayaan sila. Pinatunayan ni Okonkwo na siya ay naiiba sa kanyang ama at upang magawa ito, pinamunuan niya ang siyam na nayon. ‘Di naglaon ay tatlo ang nagging asawa ni Okonkwo, nakapag pundar din siya ng mga ari-arian patunay lamang ng kanyang kasipagan. Dahil dito siya ang kinilalang lider ng kanilang tribo at siya ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna. Ang ama ni Ikemefuna ay nakapatay ng isang babaeng Umuofian kaya is Ikemefuna bilang tanda ng  pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon. Kinuopkop ni Okonkwo ang batang lalaki, magiliw na pinatira sa kanilang tahanan at itinuring naman siya ng bata bilang pangalawang ama.

Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang ipakita ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa kabila ng paghingi nito ng saklolo.

 Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna, hindi siya makatulog, hindi rin makakain at hindi makapag-isip ng maayos  si Okonkwo dahil sa ramdam pa rin niya ang pagkakamaling kanyang ginawa. Kaya nagpasya ito na himingi ng payo sa kanyang kaibigan na si Obierika.

Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi Ezeudu ang matandang nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa di malamang dahilan, umalingawngaw ng  malakas na putok ng baril sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.  Tinamaan ng baril ni Okonkwo  ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang krimen dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa dyosa ng lupa. Napagpasyahan na ipatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya  sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. 

Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw  ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.  

Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta.  Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta upang ipakilala ang simbahan, ngunit ito ay hindi nagging madali. Hindi naglaon, nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
 Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito ng isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang mga bilango at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga kaangkan na maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya.

Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si Okonkwo para sa isang pandinig  ngunit ng Makita nbila si Okonkwo, ito ay natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon sa nangyari sapagkat si Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa katapangan at dahil sa pagpapatiwakal ni Okonkwo, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.





Mga Komento